Pres. Duterte kinumpirmang tatakbo sa pagka-bise presidente sa 2022

by Erika Endraca | August 25, 2021 (Wednesday) | 2204

METRO MANILA – Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon ng kaniyang mga kapartido sa partido demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP Laban) na tumakbo bilang pangalawang pangulo sa darating na halalan.

“Gusto talaga ninyo o cge , tatakbo ako ng bise presidente, “ani Pres. Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ng pangulo sa kaniyang talk to the people kagabi (August 24).

Ayon sa pangulo, ipagpapatuloy niya ang kaniyang mga nasimulang laban sa bansa.

“Then I will continue the crusade, Im worried about the drugs, insurgency, well number 1 is insurgency, criminality, drugs , I may not have the power to give the direction or guidance, but I can always express my views in public for whatever it may be worth in the coming days, nasa pilipino na yan. Nandyan lang ako, magsabi lang ako” ani Pres. Rodrigo Duterte.

Nauna nang sinabi ni PDP Laban Executive Vice President at Cabinet Secretary Karlo Nograles na tinanggap na ng pangulo ang endorso ng partido, sumangayon ang pangulo na magsakripisyo at pakinggan ang nais ng mga tao.

Ang inilabas na initial senatorial lineup ng PDP Laban at ang pagtakbo ni Pangulong Duterte sa 2022 ay kabilang sa inaasahan na isa sa magiging agenda sa national convention ng ruling party sa September 8 sa San Jose Del Monte Bulacan.

Una na ring itinutulak ng paksyon ni PDP Laban President Energy Secretary Alfonso Cusi na tumakbo bilang pangulo at maging katandem ni pangulong duterte si senator Christopher Bong Go sa 2022 national elections.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: ,