METRO MANILA – Sa kanyang ulat sa bayan noong 2019, kasama sa ibinida ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakalagda sa Ease of Doing Business Act na layong gawing simple ang transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno.
Pinuna nito ang mga ahensyang pangunahing inirereklamo dahil sa mabagal na serbisyo, kabilang na ang Land Transportation Office (LTO), Social Security System, Land Registration Authority, Bureau Of Internal Revenue at ang pagibig.
Subalit makalipas ang 1 taon, ito pa rin ang mga tanggapan na pangunahing inirereklamo sa contact center ng bayan ng Civil Service Commission.
Bukod sa mabagal na serbisyo, inirereklamo rin ng mga tao ang hindi maayos na pakikitungo ng mga empleyado sa mga nakikipagtransaksyon,kawalan ng maayos na pasilidad, hindi pagbibigay ng karampatang serbisyo, hindi malinaw na proseso, hindi pagsunod sa no noon time break policy, at unattended hotline numbers.
“It is important to note however these agencies have the most number of of complaints lodge to the ccb because they also have the high traffic count in terms of daily transacting customers” ani CSC Commissioner Atty. Aileen Lizada.
Sa kanyang ika-5 SONA muling binigyang-diin ng Pangulo na ayaw niyang pumila pa ng mahaba ang mga Pilipino na nakikipagtransaksyon sa mga ahensya ng pamahalaan.
Inatasan nito ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Budget and Management at Anti-Red Tape Authority at iba pang sangay ng gobyerno na gawing online na ang serbisyo sa lahat ng transaksyon.
“Panahon na para mawala na ang pila para mapagsilbihan ang gobyerno nang walang kahirapan para sa tao.we need to adjust to and adopt a paper-less type business and work performance. We need e-governance.it will enable our bureaucracy to better transition into in the ‘new normal’ and cut or minimize red tape.” ani President Rodrigo Duterte.
At sa panibagong taon ng pangakong pagbabago,ang tanong ng marami tunay kayang matatamasa na ito ng mga Pilipino?
(Joan Nano | UNTV News)
Tags: Online Services