Pres. Duterte, iginiit na kaalyado pa rin ng Pilipinas ang Amerika sa kabila ng pagpapaigting ng ugnayan sa China

by Radyo La Verdad | March 30, 2017 (Thursday) | 2081


Muling ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakinabang ng Pilipinas sa pakikipagmabutihan nito sa China sa usaping pang-ekonomiya nang pangunahan nito ang sinusulong ngayon sa Kongreso ang panukalang ilipat sa opisina ng Solicitor General ang paghahabol sa mga nakaw na yaman ng pamilya Marcos.

Sa kasalukuyan, mandato ito ng Presidential Commission in Good Government.

Ngunit ang OSG pa rin ang kumakatawan sa gobyerno pagdating sa mga kaso.

Mismong si House Speaker Pantaleon Alvarez ang nagsusulong na buwagin na ang PCGG at ipaubaya na lamang sa O-S-G ang pagbawi sa mga nakaw na yaman.

Sabi ni Sol. Gen Jose Calida, nasa kapangyarihan ng Kongreso na gawin ito.

Wala rin aniyang problema dito kahit na kilala siyang taga suporta ng mga Marcos.

Magugunitang isa si Calida sa mga nagsulong ng tambalang Duterte-Marcos noong nakaraang halalan.

(Roderic Mendoza)
eople’s day celebration sa Socorro, Oriental Mindoro kahapon.

Bagaman itinuturing na tapat na kaibigan ng pangulo si Chinese President Xi Jinping at mga mamamayan nito, hindi ito nangangahulugan ng pagkalas ng bansa sa pakikipag-alyansa sa Estados Unidos ayon sa pangulo

Inihayag din ng pangulo na tinanong niya ng personal si US Ambassador to the Philippines Sung Kim kung bakit hindi pinigilan sa umpisa ng Amerika ang ginagawang artificial island ng China sa South China Sea.

Samantala, bagaman mabuti na ang trade at investment cooperation ng Pilipinas at China, nilinaw ni Pangulong Duterte na wala itong balak na isuko ang anumang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

(Rosalie Coz)

Tags: , , , ,