Pres. Duterte, hindi makikialam sa kaso ng grupo ni PSupt. Marvin Marcos – PNP Chief

by Radyo La Verdad | December 9, 2016 (Friday) | 1467

dela-rosa
Tiniyak ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na hindi iimpuwensiyahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging desisyon sa kakaharaping kaso ni Superintendent Marvin Marcos at iba pang pulis na sangkot sa pagpaslang kay Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Ito ay kahit na sinabi ng pangulo na hindi niya hayaang makulong ang grupo nina Psupt. Marvin Marcos.

Ayon kay Gen. Dela rosa, ayaw din naman ng pangulo na ma-demoralize ang ibang pulis na nagtatrabaho ng maayos.

Dagdag pa ni Gen. Bato, bilang ama ng PNP, hindi nya kukunsintihin ang mga pulis na gumagawa ng mali subalit ipagtatanggol pa rin ang mga ito sakaling makasuhan.

Tags: , ,