METRO MANILA – Hindi sangayon si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa naiuulat na may ilang kumpanya na nagpapatupad ng “No Vaccine, No Work Policy”.
“As a lawyer I would say na kung nandiyan ka na sa trabaho at ayaw mong magpabakuna well thats too bad for the employer but sabi ng mga labor lawyers strongly saying that hindi pwede na paalisin mo, kung ayaw magpabakuna and that violated the law, and I think I agree with it” ani Pres. Rodrigo Duterte.
Pabor ang pangulo na hindi dapat paalisin ang isang manggagawa sa kaniyang trabaho dahil lamang sa hindi siya naturukan ng COVID 19 vaccine.
Pero ayon sa pangulo, karapatan naman ng isang employer na huwag tanggapin ang isang mag-a-apply pa lamang ng trabaho na hindi bakunado.
“But I think its legal for employers not to accept people who are not vaccinated, tama sila, I agree with them as a lawyer, mukhang tama , you are protecting your business and other people” ani Pres. Rodrigo Duterte.
Paliwanag ng pangulo, kung tanggihan man ng mga employer ang unvaccinated individual, pinoprotektahan lamang nila ang kanilang investment maging ang kanilang mga empleyado.
Una na ring lumutang ang isyu na gawin ng mandatory ang COVID-19 vaccination para maitaas pa ang coverage rates.
Mismong si Vaccine Czar at NTF Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Junior ay pabor sa mandatory vaccination.
Samantala ipinirisinta naman ni Health Secretary Francisco Duque III kagabi ang rekomendasyon ukol sa paggamit ng face shield.
Kabilang na ang boluntaryong paggamit na lamang ng face shield sa Alert Level 1 maliban sa healthcare setting tulad ng mga ospital.
“Aming inirerekomenda ang voluntary use ng face shield sa mga communities setting sa Alert Level 1 pati sa Alert Level 2 maliban sa transport pero ang final ay dadaan muna sa IATF deliberations” ani DOH Sec. Francisco Duque III.
Ayon kay Duque pag-uusapan at isasapinal ng Inter Agency Task Force ang face shield policy sa Huwebes (November 11).
(Nel Maribojoc | UNTV News)
Tags: Covid-19, DOH, Pangulong Duterte