Pres. Bongbong Marcos, pinalawig hanggang sa December ang libreng sakay sa Edsa bus carousel

by Radyo La Verdad | July 4, 2022 (Monday) | 1180

METRO MANILA – Hanggang July 31 na lang dapat ang libreng sakay sa Edsa bus carousel sa ilalim ng service contracting program.

Ngunit inirekomenda ng bagong transportation secretary na si Secretary Jaime Bautista na palawigin pa ito hanggang Disyembre na agad namang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Itinuturing ang Edsa carousel na may pinaka maraming pasahero sa buong bansa.

Kaya inaasahang makatutulong ito na mapagaan ang bigat na nararanasan ng maraming mga pamilyang Pilipino dulot ng pagtaas ng mga bilihin.

Bukod dito, maglalaan din ang DOTr ng libreng sakay para naman sa mga estudyante.

Ipatutupad ang programang ito sa Metro Rail Transit (MRT-3), Light Rail Transit (LRT-2) at Philippine National Railways (PNR).

Epektibo sa unang quarter ng papasok na school year o simula August 22 hanggang November 4, 2022.

Sangayon naman si Bautista na itigil na ang libreng sakay sa lahat ng pasahero sa MRT-3 dahil malaki na rin naman aniya ang subsidiya na inilalaan ng pamahalaan sa bawat pasahero nito.

(Asher Cadapan Jr.)

Tags: , ,