EDSA Carousel, may bayad na; extension ng libreng sakay, hirit ng mga mananakay

by Radyo La Verdad | January 2, 2023 (Monday) | 3939

METRO MANILA – Inilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang fare matrix sa EDSA Bus Carousel.

Ito ay kasunod ng pagtatapos nitong Sabado (December 31) ng Libreng Sakay Program ng pamahalaan sa bus carousel makalipas ang halos 2 taon.

Batay sa Board Resolution No. 189 series of 2022, P15 ang pamasahe para sa unang 5 kilometro at higit P2 naman ang dagdag sa kada kilometro.

Ibig-sabihin, ang pamasahe mula sa Monumento hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ay nasa P76, habang nasa P61 naman ang discounted rate para sa mga estudyante, senior citizens, at Persons with Disabilities (PWDs).

Dagdag pasakit naman ito para sa mga mananakay na dumadaing sa taas ng mga bilihin.

Nagpaalala naman ang LTFRB sa mga bus driver na sumunod sa mga patakaran hinggil sa paniningil na pamasahe sa mga pasahero.

Ang mga mahuhuling lalabag sa singil ng pasahe ay papatawan ng kaukulang parusa ng ahensya.

(Bernadette Tinoy | UNTV News)

Tags: ,