Pres. Benigno Aquino III kinilala ang kontribusyon ng kababaihan sa pagpapatupad ng reporma sa pamahalaan

by Radyo La Verdad | September 17, 2015 (Thursday) | 2508

PRESIDENT-AQUINO
Ibinida ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang talumpati sa pulong ng Asia Pacific Economic Cooperation o APEC sa usapin ng Women and Economy na tumutukoy sa mga naging kontribusyon ng mga kababaihan sa bansa.

Sinabi nito na sa ilalim ng kanyang administrasyon, may mga babae na nakatulong ng malaki upang maipatupad ang mga reporma ng pamahalaan sa harap ng matinding pressure at pang-iimpluwen siya sa kanila.

Kabilang sa mga kinilala ni Pangulo si Ombudsman Conchita Carpio Morales, Department of Justice Sec. Leila de Lima, Department of Social and Welfare Development Sec. Dinky Soliman, Department of Health Sec. Janet Garin, Philippine Economic Zone Authority Sec. Lilia de Lima, Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares at dating Commission of Audit Chair Grace Pulido-Tan.

Maging sa pribadong sektor, malaki rin aniya ang kontribusyon ng kababaihan.

Ayon sa Department of Trade and Industry, 54% ng registered trade names ay pagmamay-ari ng kababaihan.

Base rin sa survey ng Asian Institute of Management, 63% ng managers at may-ari ng mga negosyo ay mga babae rin.

At para palawigin pa ang mga oportunidad para sa mga babae, ipinagmalaki rin ng Pangulo ang programa ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA na nagbibigay ng Entreprenuerial training.

Sinabi ng Pangulo nang simulan ang programang ito noong December 2011, mahigit 200,000 na kababaihan na ang nabigyan ng training.

Ayon sa global gender gap 2014 report ng World Economic Forum, ang Pilipinas ang nanatiling top performer sa Asya-Pasipiko pagdating sa pagsusulong ng gender equality, isang bagay na ipinagmamalaki rin ni Pangulong Aquino.

Aniya, mananatiling partner ng mga bansa ang Pilipinas sa pag-iimplementa ng mga programang layuning kilalanin ang karapatan at kakayahan ng kababaihan sa lipunan. ( Joyce Balancio / UNTV News)

Tags: , , , , , ,