METRO MANILA – Sinisimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ihatid ang relief packages sa mga lugar na madalas tamaan ng bagyo mula sa kanilang National Resource Operations Center sa Pasay City.
Ayon kay Social Welfare SecretaryErwin Tulfo, ito ay para mas madaling makarating ang tulong sa mga apektadong mamamayan sa oras ng sakuna o kalamidad.
At upang makasiguro na walang relief items na masasayang o mapapabayaan, nagbabala Secretary Tulfo sa mga opisyal ng gobyerno.
Kahapon nag-inspeksyon ang kalihim sa National Resource Operation Center ng DSWD.
Tiniyak nito na sa ngayon ay mayroon namang sapat na suplay ng ayuda na maaring ipamahagi sa mga LGU sa mga evacuation center.
Ayon sa DSWD, nasa 20,000 na mga food packages ang kayang ibalot ng DSWS kada araw na sasapat para sa distribusyon sa mga lokal na pamahalaan.
Prayoridad ng DSWD na agad nang maihatid ang mga relief items partikular na sa Surigao, Tacloban, Leyte at Tuguegarao na kadalasang dinaraanan ng malalakas na bagyo.
(JP Nunez | UNTV News)
Tags: DILG, LGU, relief goods