Premium airport bus service sa Ninoy Aquino Int’l Airport, magsisimula nang bumiyahe ngayon araw

by Radyo La Verdad | February 18, 2016 (Thursday) | 1587

MON5
Bukod sa mga taxi at rent-a-car, magsisimula na ring mag operate ngayon araw ang premium airport bus ng Department Of Transportation And Communication sa Ninoy Aquino International Airport

Ang premium airport bus ay kayang magsakay ng dalawampu’t apat na pasahero at mayroon itong Closed-Circuit Television Cameras (cctv), Global Positioning System (gps) at wi-fi facility

300 pesos ang flat rate sa premium bus at maaaring magbayad ng cash o gamit ang credit card at iba pang payment service

Magkakaroon rin ng automated fare collection system na pwedeng magamit para sa online advanced booking

Ayon sa LTFRB, maaari pang magbago ang halaga ng pasahe depende sa feedback ng mga pasahero.

Magkakaroon naman ng booking center ang premium bus sa mismong airport, sa mga bus stop, sa shopping malls at sa hotels.

Nabigyan ng prangkisa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa mga airport bus na may dalawang ruta, ang Roxas Boulevard na dadaan ng Mall of Asia at Makati Central Business District

Nagtalaga rin ng mga unloading area para sa premium bus partikular sa mga shopping mall at hotel na madadaanan ng ruta

Nakipag partner ang DOTC sa Air 21 at Mercedez Benz para sa premium bus na maituturing na first class bus

Ngayon araw ay pitong bus ang bibiyahe habang sa Mayo ay darating ang 21 Mercedes Benz Bus , sa Hunyo inaasahang makukumpleto na ang 42 premium bus

Sangayon, makikita pa rin ang mahabang pila ng mga pasahero sa naia, ayon sa MIAA hindi daw kulang ang mga taxi, nagkukulang lamang dahil natatagalan ang mga ito makabalik sa airport dahil sa matinding traffic sa Metro Manila.

Kalaunan ay magdadagdag ng ruta ang LTFRB papuntang South Alabang area

(Mon Jocson/UNTV News)

Tags: