Premature campaigning, kabilang sa ipinagbabawal sa mga naghain ng COC

by Radyo La Verdad | August 29, 2023 (Tuesday) | 402

METRO MANILA – Nagpapaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga nais kumandidato, para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), na mahigpit na ipinagbabawal ang premature campaigning.

Kabilang sa pinaalalahanan ang mga tapos nang maghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC).

Kabilang sa maituturing na premature campaigning ay ang paglalagay o pagdidikit ng campaign posters sa paligid ng lugar kung saan sila tatakbo sa halalan.

Kasama rin dito ang pagsusuot ng damit na may mukha ng kandidato bagamat walang sinasabi na iboto ito.

Sakop din ng prohibition na ito ang paggamit ng social media.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kahit nasa pribadong ari-arian pa ang campaign materials ay tatanggalin pa rin nila ang mga ito

Kaakibat din ang posibleng reklamo na kahaharapin ng kandidato na may-ari ng mga ipinagbabawal na kagamitan at ang pagkadiskwalipika.

Ayon sa Comelec sa October 19 pa maaaring magsimulang mangampanya ang mga kandidato. Magtatagal ang campaign period sa October 28.