Preliminary investigation ng DOJ, tinapos na

by Radyo La Verdad | November 9, 2017 (Thursday) | 2165

Ikinatutuwa ng mga dating opisyal ng Bureau of Customs ang gagawing imbestigasyon ng Ombudsman sa kaso ng mahigit anim na raang kilo ng shabu na naipuslit sa pantalan nitong Mayo.

Ayon kay dating Customs Intelligence Chief Niel Estrella, tiwala silang malilinis din ang kanilang pangalan.

Samantala, tinapos na DOJ ang preliminary investigation sa mga reklamong isinampa ng National Bureau of Investigation o NBI at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Sa huling pagdinig kahapon, muling itinanggi ni dating Customs Chief Nicanor Faeldon ang paratang na nakipagsabwatan sila upang maipuslit ang kargamento ng shabu.

Ayon kay Faeldon, mismong ang complainant na si Norman Balquiedra ang umaamin na wala itong personal na alam sa nangyari. Bigo rin aniya ito na patunayang kinatawan nga siya ng PDEA.

Ayon naman kay former Customs Chief Niel Estrella, hindi pa rin masabi ng malinaw sa mga reklamo kung ano ang kanilang nalabag.

Submitted for resolution na ang kaso at maglalabas na ng resulta ng imbestigasyon ang DOJ panel sa susunod na buwan.

 

( Roderic Mendoza / UNTV Correspondent )

 

Tags: ,