Preliminary hearing ng DOJ sa Mamasapano cases, itinakda sa November 11 at 27

by Radyo La Verdad | October 28, 2015 (Wednesday) | 1190

RODERIC_DOJ
Nagtakda na ng pagdinig ang Department of Justice sa mga reklamo kaugnay ng pagkakapatay sa 35 PNP-SAF troopers sa madugong insidente sa Mamasapano nitong nakaraang Enero.

Ayon kay Prosecutor General Claro Arellano, itinakda ng prosecution panel ang preliminary hearing sa November 11 at 27, ganap na alas dyes ng umaga.

Mahigit syamnapung respondents ang pinahaharap sa gagawing pagdinig na kinabibilangan ng mga kumander at tauhan ng MILF, BIFF at private armed groups.

Ipinadala ang subpoena sa pamamagitan ng MILF Peace Panel para sa mga respondent na miyembro ng MILF at sa opisina naman ni Mamasapano Mayor Benzar Ampatuan para sa mga respondent na kasapi ng BIFF at private armies.(Roderic Mendoza/UNTV Correspondent)

Tags: , ,