Itinakda na ng Supreme Court bilang Presidential Electoral Tribunal sa darating na June 21 ang preliminary conference sa protesta ni Bongbong Marcos sa pagkapanalo ni Vice President Leni Robredo.
Kaugnay nito ay pinagsusumite ng kani-kanilang preliminary conference briefs ang magkabilang panig hanggang June 16 o limang araw bago ang preliminary conference.
Kabilang sa lalamanin nito ang pinasimpleng mga isyu sa protesta, bilang ng mga testigo at ang panukala ng magkabilang panig kung paano mabilis na mareresolba ang kaso.
Tags: Bongbong Marcos, election protest, June 21, Preliminary conference