Pre-trial sa mga kaso kaugnay ng 2013 Zamboanga City Siege, itinakda sa Abril 27 at 29

by Radyo La Verdad | April 6, 2016 (Wednesday) | 2387

DANTE_ATTY.CARBON
Itinakda na ng Pasig Regional Trial Court ang pinal na petsa ng pre-trial sa mga kasong kinasasangkutan ng ilang miyembro ng Moro National Liberation Front o MNLF kaugnay ng Zamboanga City Siege noong 2013.

Ayon sa Zamboanga City Legal Office, sa April 27 at 29 na gagawin ang pre-trial sa mga kasong rebellion at violation of the Philippine Act on crimes against international humanitarian law, genocide and other crimes against humanity na kinakaharap ng MNLF faction ni Nur Misuari.

Una itong itinakda noong Setyembre 2015 ngunit hindi natuloy dahil sa problema sa mechanics ng trial, safety concerns at budget constraints.

Ayon kay City Legal Officer Atty.Jesus Carbon, masyadong mabagal ang usad ng kaso dahil nasa pre-trial stage pa rin ito kahit mahigit dalawang taon na ang nakalipas mula nang mangyari ang pag-atake.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,