Sususpendihin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang prangkisa ng tourist bus na sangkot sa aksidente sa Occidental Mindoro noong Sabado.
Dalawang katao na iniulat na nasawi at 26 ang nasugatan sa aksidente. Sinabi ni Aileen Lizada ng LTFRB, maglalabas na sila ng preventive suspension order sa Charm Travel and Tours Bus Company matapos na napag-alamang out-of-line ang mga bus nito. Sinabi ni Lizada na para sa Region III ang prangkisa ng kumpanya pero nag-ooperate sa Region IV.
Naganap ang aksidente lulan ang mga school officials at estudiyante ng University of Rizal System ng Morong, Rizal habang patungo sa Occidental State College sa San Jose, Mindoro.
Lalahok sana ang mga ito sa Southern Tagalog Regional Association of State Universities and Colleges Olympics ng mahulog sa malalim na kanal ang bus.
Tags: LTFRB, naaksidenteng bus, Occidental Mindoro