Prangkisa ng mga Operator ng PUVs na lumahok sa tigil-pasada, kakanselahin ng LTFRB

by Erika Endraca | October 1, 2019 (Tuesday) | 4764

MANILA, Philippines – May kakaharaping parusa ang mga Public Utility Vehicle (PUV) Operators na nakilahok sa malawakang tigil-pasada kahapon (September 30) ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Alinsunod ito sa LTFRB memorandum circular na nagbabawal lumahok sa mga transport strike. Katwiran ng LTFRB ang prangkisa ay isang pribilehiyo na may kaakibat na responsibilidad na magbigay serbisyo sa publiko. Kaya’t isang malinaw na paglabag sa kondisyon ng prangkisa ang paglahok sa tigil-pasada.

“Kakanselahin iyong prangkisa nila. Which we already have done even in the past administration na mayroon transport group mayroong mga bus unit na nagparticipate sa strike kinansela rin and recently last week we also have cancelled more than 20 PUJ franchises.” ani LTFRB Chairman, Atty. Martin Delgra.

Irerekomenda rin ng LTFRB sa Land Transportation Office (LTO) na kanselahin o suspendihin ang lisensya ng PUV drivers na nakiisa sa tigil-pasada..

Ayon kay Delgra, karaniwang nagtatakip ng plate number, case number at may sakay na kalahok din sa strike ang mga puv na kasali sa transport strike. Walang parusang kakaharapin ang mga nanghihimok sa mga drayber na pansamantalang tumigil sa pagbyahe pero ayon sa LTFRB.

So long as hindi sila lalabag sa batas ibig sabihin hindi sila manghaharang hindi mambabato sa mga gusto pang bumyahe at marami din naman silang gustong bumyahe.” ani Chairman Chairman Atty. Martin Delgra.

Paliwanag naman ng grupong piston, hindi tinututulan ng Alyansa ng Transport Groups ang PUV modernization. Ngunit tutol sila sa ilang probisyong nakalakip sa omnibus franchising guidelines ng modernisasyon ng mga sasakyan. Bukod ditto, mariin ding tinututulan ang pag-phase out sa mga lumang jeep kapalit ng ayuda ng pamahalaan at pagpapautang ng mga makabagong PUV.

(Mai Bermudez | UNTV News)

Tags: ,