Prangkisa ng mga city buses palalawigin hanggang Interim terminals ng MMDA

by Erika Endraca | May 6, 2019 (Monday) | 13983

Manila, Philippines – Palalawigin pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng mga city buses hanggang sa mga interim terminal ng Metropolitan Manila Development Authority o (MMDA) upang umagapay sa naka-ambang pagpapatupad ng provincial bus ban sa Edsa.

Ito’y upang may masakayan ang mga pasaherong ibababa at magpupunta ng Interim Terminal sa Valenzuela city at Sta. Rosa Laguna.

Aminado ang MMDA na maraming provincial bus company ang hindi sumusunod sa dry run dahil kulang rin ang mga city bus na maghahatid sa mga pasahero mula interim terminals.

“Kailangang unahin natin yung city bus,may dry run o wala yung city bus natin they need to extend the lone hanggang sta.rosa hanggang valenzuela para kung mag dry run man ang ating mga provincial buses pagbaba ng ating mga pasahero may masasakyan sila” ani MMDA General Manager Jose Arturo Garcia.

Bagaman marami ang bumabatikos at tumututol sa implementasyon ng provincial bus ban sa Edsa kabilang na ang ilang mambabatas.

Desido pa rin ang MMDA na ituloy ito, lalo’t suportado rin anila iyon ng mga lokal na opisyal sa metro manila at ng department of transportation.

“We need to push through with this,so far the dry run will push through the cutting of the lines the extension of the lines will be done by the ltfrb so if everythinhs will be in place and we will all agree that this will be a smooth run then we will push through with it if the tro will not be against us” ani MMDA Traffic Chief Edison “Bong” Nebrija.

Target ng mmda na tuluyang mailipat ang mga provincial bus sa interim terminal pagsapit ng Hunyo.

(Joan Nano | Untv News)


Tags: , ,