Magsasagawa na ng mga pagpupulong ang pulis-Calabarzon kaugnay sa paghahanda sa nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan election sa darating na Mayo.
Ito’y matapos na makatanggap na ng kopya ang Region 4A police ng resolusyon mula sa Commission on Elections (COMELEC) para sa guideliness sa halalan. Kabilang dito ang pagsasagawa ng COMELEC checkpoints , gun ban at liquor ban.
Sa April 10 magsisimula ang COMELEC checkpoints at gun ban na tatagal hanggang May 21, habang isang araw bago magsimula ang eleksyon hanggang sa araw ng halalan naman ipatutupad ang liquor ban.
Nanawagan ang mga opisyal ng PNP Region 4A sa ating mga kababayan na makiisa sa mga ipatutupad na guideliness para sa barangay at SK election.
( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )
Tags: baragay at SK election, COMELEC, PR04A
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com