PPUR, nanawagan kay DENR Sec. Roy Cimatu na itama ang umano’y maling pahayag hinggil sa Palawan Underground River

by Radyo La Verdad | February 27, 2018 (Tuesday) | 3956

Nagpasa na ng resolution ang  Protected Area Management Board (PAMB) ng  Puerto Princesa Underground River (PPUR) na layong hilingin kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Cimatu na i-rectify o itama ang naunang pahayag nito.

Kaugnay ito sa sinabi ng kalihim na nagiging sanhi ng pangingitim ng kweba ang carbon dioxide na nagmumula sa hininga ng mga taong bumibisita dito.

Sa inilabas na pahayag ng  La Venta Esplorazione Geograpiche,  sinabi nito na fake news ang sinabi ni Secretary Cimatu.

Ang La Venta Esplorazione Geograpiche ay isang reaserch group na nag-oorganisa ng iba’t-ibang geograpichal exploration project partikular na sa uderground world.

Anila, posibleng nabigyan lang ng mga maling impormasyon ang kalihim. Base na rin sa ginawang pagsusuri ng mga eksperto ay wala pa ring pagbabago sa underground river makalipas ang dalawampu’t limang taon.

Normal din ang carbon dioxide level dito at akma ang bilang nga mga turistang bumibisita.

Nais din umano nila na paimbestigahan kung kanino nanggaling ang naging pahayag ni Secretary Cimatu dahil makakasira aniya ito sa imahe ng isa sa “New Seven Wonders of the World”.

Ayon naman kay Sec. Cimatu, magpadala siya ng team para mamonitor ang kalidad ng hangin sa under ground river at ipakita na lang sa kaniya ang findings ng  nasabing banyagang siyentipiko.

 

( Andy Pagayona / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,