PPCRV, umaasang makatanggap ng 50% ng election returns Ngayong araw

by Erika Endraca | May 15, 2019 (Wednesday) | 4999

Manila, Philippines – Patuloy na isinasagawa ng volunteers mula sa election watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang manual encoding ng election returns (ERS) sa command center sa Maynila.

Ayon kay PPCRV National Board Member, Dr. Arwin Serrano, umaasa sila na 50% na ng election returns ang matatanggap nila ngayong araw.

“Ang mas magandang terminology ho, sana makuha naming kasi syempre future yung eh, hindi pa naming alam eh, malay mob aka sumobra pa sa 50, di ba? Pero may possibility din na bumaba sa 50. Ano lang ‘yon ini-expect lang namin sana marami na” ani PPCRV National Board Member, Dr. Arwin Serrano.

Samantala, inihayag ni PPCRV Media Director Agnes Gervacio na natanggap na nila ang election returns mula sa Maynila, Makati, ilang lugar sa Pasay at San Juan.

Kagabi, sinabi ni Gervacio na 5% pa lang ang natatanggap nilang election returns. Pahayag rin ni Serrano na 8,000 elections returns na ang natanggap nila mula sa kabuuang 85,679.

“The encoding is in full swing. As we speak now, there are still election returns that are continuing to come in. As you can our hundred of volunteers are on deck already doing our encoding” ani PPCRV Media Director, Agnes Gervacio

Dodoblehin din ng grupo ang kanilang trabaho para pabilisin ang encoding ng ERS.

Base sa tally ng PPCRV sa election returns, binanggit ni Serrano na nag-match naman ang mga resulta mula sa itina-transmit sa transparency server ng Commission on Elections.

Aniya, maliban lamang ito sa minor discrepanies dahil sa human error na subject to further validation.

(April Cenedoza | Untv News)

Tags: , ,