PPCRV, tutol na muling ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan elections

by Radyo La Verdad | March 21, 2018 (Wednesday) | 7220

Mariing tinututulan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV ang panukalang pagpapaliban sa barangay at SK election sa ikatlong sunod na pagkakataon.

Ayon kay dating Comelec commissioner at ngayon ay PPCRV Chairperson Rene Sarmiento, hindi maganda ang epekto ng paulit-ulit na postponement ng halalan.

Ayon naman sa Commission on Elections, bagaman pasado na sa third at final reading sa Kamara ang panukalang muling ipagpaliban ang brgy at SK elections, hangga’t hindi naisasabatas ang panukala ay tuloy na tuloy ang eleksyon sa May 14.

Ayon naman kay House Speaker Pantaleon Alvarez, ginawa na nila ang kanilang parte sa pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Kung walang bersyon ang Senado sa panukala, tuloy ang halalan sa May 14.

Samantala, kahapon dininig ng Comelec ang petisyon ng PPCRV upang muling maging citizens arm ng Comelec sa barangay polls. Kung sasang-ayunan ng poll body, ito na ang ikalimang pagkakataon na magiging katuwang ng Comelec ang grupo sa halalan.

Makakatulong ang naturang election watchdog sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko kaugnay sa halalan at maging sa pag-asiste sa mga botante sa mismong araw ng eleksyon.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,