PPA, mamamahagi ng free snacks sa mga Vaccinated passenger sa mga port terminal.

by Erika Endraca | August 3, 2021 (Tuesday) | 6362

METRO MANILA – Libreng makakakuha ng snacks ang mga vaccinated passenger sa Philippine Ports Authority (PPA) terminals, alinsunod sa direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade.

Kinakailangan lamang ipakita ng mga vaccinated passenger ang proof of vaccination upang makakuha ng libreng snacks at sakay.

Sa bisa ng memorandum, inatasan ni PPA General Manager Jay Santiago ang mga port manager na bigyan ng free snacks ang lahat ng vaccinated passengers sa lahat ng PPA port terminals simula
ngayong araw (August 3) hanggang August 20, 2021.

“In support of the government’s COVID-19 vaccination program, and in consonance with the mandate of the Philippine Ports Authority (PPA) to keep its ports safe, you are directed to make available free light snacks for all vaccinated passengers passing through terminals under your area of responsibility,” ani PPA General Santiago.

Samantala, nagbigay mandato rin si Secretary Tugade sa Light Rail Transit 2 (LRT-2), Manila Metro Rail Transit 3 (MRT-3) and Philippine National Railways (PNR) na bigyan ng free rides ang mga vaccinated passenger at authorized persons outside the residence (APORs) simula ngayong araw (August 3) hanggang August 20, 2021.

Kasama rin ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Manila International Airport Authority (MIAA) sa inatasan ni Secretary Tugade na magbigay ng free snacks sa mga vaccinated passenger habang naghihintay ng kanilang flights.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,