Power restoration sa mga nasalanta ng bagyong Karding, nasa 80% na

by Radyo La Verdad | September 28, 2022 (Wednesday) | 614

METRO MANILA – Iniulat ng National Electrification Administration (NEA) na naibalik na ang supply ng kuryente sa 80% sa mga nasalanta ng bagyong Karding.

Ayon sa NEA Disaster Risk Reduction and Management Department, 486 sa kabuoang 605 na munisipalidad ang nakaranas ng power interruption, ang mga munisipalidad na ito ay bahagi ng 31 probinsya sa 7 rehiyong apektado ng bagyo.

May bahagya ng kuryente ang 36 na munisipalidad at 83 naman ang hindi pa naibabalik.

Samantala sa 51 Electric Cooperatives (ECs), 31 na ang balik-serbisyo habang 13 ang may bahagyang interruption at 7 naman ang hindi pa gumagana.

(Ritz Baredo | La Verdad Correspondent)

Tags: