Power interruption, mararanasan sa ilang bahagi ng Zamboanga – NGCP

by dennis | April 6, 2015 (Monday) | 1246
File photo

File photo

Magpapatupad ng 10 oras na power interruption sa ilang lugar sa Zamboanga ang National Grid Corporation of the Philippines bukas.

Batay sa abiso ng NGCP, kabilang sa maaapektuhan ang lugar na seneserbisyuhan ng ZANECO at ZAMSURECO-1.
Magsisimula ang power interruption mula 8:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.

Layun ng power interruption na ayusin ang sira sa kahabaan ng Molave-Mahayag-Dapitan/Roxas 69-kilovolt line.

Tags: , ,