Poverty incidence sa bansa, bumaba noong 1st quarter ng 2018 – PSA

by Radyo La Verdad | April 11, 2019 (Thursday) | 8417

MANILA, Philippines – Bumaba ang poverty incidence sa bansa noong first quarter ng 2018 ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ibig sabihin bumaba ang bilang ng mga mahihirap na Pilipino.

Mula sa 22.22 percent noong 2015, nasa 16.1 percent na lamang ito sa kaparehong panahon noong first half ng 2018.

Katumbas ito ng 23.1 million na mahihirap, na mababa kumpara sa  28.8 million na mga mahihirap na pinoy noong 2015.

Welcome naman sa Duterte administration ang naturang ulat.

Ayon kay presidential spokeperson salvador panelo, nagpapakita ito na nagbubunga ang mga hakbang ng pamahalaan kontra kahirapan.

Hindi rin aniya titigil ang gobyerno hangga’t di naaabot ang target nito na 14 percent o mas mababang poverty incidence sa huling bahagi ng termino ni pangulong duterte sa taong 2022.

Tags: , ,