Poultry raisers sa Bulacan, nalulugi na rin dahil sa Avian flu scare

by Radyo La Verdad | August 17, 2017 (Thursday) | 4258

Dumadaing ngayon ang mga poultry raisers sa Bulacan dahil bumagsak na ang kanilang kita sa negosyo matapos ang Avian flu scare.

Gaya nalang ni Mang Tommy Cruz na tatlumpu’t limang taon ng nag-aalaga ng itik at supplier ng itlog. Hindi pa nakababawi ng puhunan ay malaking porsyento na ng kita nila ang nawala dahil sa matumal na benta.

Dahil sa epekto ng Avian flu virus, problema nila sa ngayon kung papaano mabebenta ito. Pakiusap naman ng mga poultry raisers, huwag ng patagalin ito lalo na’t hindi apektado ng Avian flu ang Bulacan.

Kundi sa halip bigyan na sila ng certificate na pwede na silang magtinda ng itlog sa Visayas at Mindanao.

 

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

 

 

 

 

 

 

 

Tags: , ,