Poultry industry, hindi pa rin nakakabawi pagkatapos ng bird flu outbreak

by Radyo La Verdad | September 14, 2017 (Thursday) | 3854

Hirap paring makabawi ang mga poultry raisers lalo na ang mga nag-aalaga ng manok. Ayon sa United Broiler Raisers Association, posibleng hanggang sa holiday season ay marami paring supply ng manok. Sa ngayon aniya ay sobra na sa timbang ang kanilang mga alaga at napakababa pa ng presyo ng hango sa kanila.

Nais naman ng Department of Agriculture na magkaroon ng kontrol o partisipasyon ang mga nag-aalaga ng manok hanggang sa pagbebenta.

Ayon kay Sec. Manny Piñol, sa ngayon ay may mga nananamantala pa sa kabila ng pinagdaanan ng poultry industry. Pinag-aaralan naman ng DA ang pagbabago sa ipatutupad na protocol kapag may bird flu outbreak dahil malaki aniya ang naging epekto sa industria nang patayin ang lahat ng nasa 1km radius.

Ayon kay Piñol, bukod sa 29M ayuda na naipamahagi sa mga apektong indibidual ay nangako pa ang Pangulong Rodrigo Duterte ng P100M para naman sa pangkabuhayan ng mga ito.

 

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,