Posibleng pagsasamantala ng mga Rice Importer, pinaiimbestigahan sa Philippine Competition Commission

by Erika Endraca | September 4, 2019 (Wednesday) | 1672

MANILA, Philippines – Dumadaing ang isang grupo ng mga magsasaka sa pagdinig sa Senado kaugnay ng epekto sa kanila ng Rice Tariffication Law.

“Magkano po ang ibinaba, 2 pesos, 4 pesos, where is the 7 pesos drop?papaano ang palay, ang palay bumagsak na rin.”ani Federation of Free Farmers Board Chairman, Leonardo Montemayor.  

Tugon naman ng Department of Agriculture, sa ngayon ay may pautang naman silang ipinamamahagi sa mga maliliit na magsasaka.

“Maaring kaunti po , pero makakatulong po na p1.5 billion na immediately ipinamahagi po natin bilang pautang” ani Agriculture Under Secretary Ariel Cayanan.

Nais namang tutukan ng chairperson ng senate Committee on agriculture and food na si Senator Cynthia Villar ang pamamahagi ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa ilalim ng rice tariffication law.

“Yung implementation ng rcef,e tututukan ko po yan, in fact I want it computerize para nalalaman natin kung ano yung mga bayan na sinasabi nilang binibigyan” ani Senate Committee on Agriculture & Food Chairperson, Senator Cynthia Villar.

Nanawagan si Senator Francis Pangilinan na imbestigahan ng pamahalaan ang mga nagsasamantalang rice importer.

“We ask the Philippine Competition Commission to investigate the existing rice importers if they have taken advantage of their collective dominance, dahil ang nakikita natin , bumaba ang presyo ng bigas, pero maliit lang” ani Senator Francis Pangilinan.

Sa ilalim ng Rice Tariffication Law, may  P10-B nakalaan para sa RCEF  bilang tulong sa mga magsasaka. Samantala, sa ulat ng Bureau Of Customs, aabot na sa P9.1-B ang kanilang nakolekta na taripa sa bigas mula noong Marso.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: