Posibleng oil spill, namataang malapit sa Coron, Palawan

by Radyo La Verdad | April 4, 2023 (Tuesday) | 6228

METRO MANILA – Nakita sa karagatan 12 kilometro ang layo mula sa Coron, Palawan ang nabuong oil slick.

Ayon sa University of the Philippines-Marine Science Institute o UP-MSI, base ito sa kuha ng satellite ng National Oceanic and Atmospheric Administration noong April 2.

May haba anila ang sinasabing oil spil ng 19 na kilometro at lawak na 3 kilometro.

Sa ngayon hindi pa masabi kung ang lumulutang na langis ay mula sa Oriental Mindoro o mula sa iba.

Samantala dinala na kahapon (April 3) ng Shin Nichi Maru ng Japan sa ground zero ang mga bag para subukang takpan ang iba pang tumatagas sa lumubog na MT Princess Empress.

Mula sa 23 leak na unang nakita sa assessment report ng mga crew ng Shin Nichi Maru 11 nalang ito ngayon.

Pero ang 2 sa 11 leak matagupay na natakpan na, gamit ang specialized bag mula United Kingdom.

Tags: ,