Posibleng hawaan ng COVID-19 sa PUVs dahil sa standing passengers, ikinabahala

by Radyo La Verdad | September 28, 2022 (Wednesday) | 15513

METRO MANILA – Pinapayagan na ng LTFRB ang mga standing passenger sa loob ng mga pampublikong sasakyan sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1.

Subalit limitado pa rin ang bilang ng mga pasahero na pwedeng sumakay sa PUV na nakatayo.

15 maximum standing passenger at one-person apart ang pagitan sa mga low-entry o low floor public utility buses.

Nasa 10 naman sa mga coach type PUV at 5 standing passengers naman sa modern Public Utility Jeepney.

Layon ng bagong kautusan ng LTFRB na mabawasan ang mahabang pila ng pasahero na nagaabang ng mga sasakyan lalo na tuwing rush hour.

Batay sa memorandum istrikto pa rin ipatutupad ang pagsusuot ng face mask sa loob ng mga public transport.

(JP Nunez | UNTV News)

Tags: ,