METRO MANILA – Wala pang tiyak na petsa kung kailan magkakaroon ng bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas ayon sa Department Of Health (DOH).
Nguni’t sang- ayon ang DOH sa ipinahayag ni Philippine Council for Health Research and Development executive Director Dr. Jaime Montoya na ang pinakamagaang posibleng may maaprubahan sa bansa ay sa 2nd quarter ng 2021.
“Iyong bingay ni Dr Montoya is just a somehow para bang practical at mas realistic na timeline baka sakali 2nd quarter pa talaga tayo next year baka makapaa- apruba ng mga bakunang ito para mailabas sa market dito sa Philippines. We need to ensure that all of these vaccines are safe and they are efficacious before we will allow it to be sold or to be procured by the government.” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.
Batay sa timeline na ibinigay ni Dr. Montoya sa isang interview:
November o December 2020 posibleng magkaroon ng conclusion ng phase 3 trials sa 9 na vaccine candidates.
January hanggang March 2021, magsasagawa ng assessment ng FDA sa maaprubahang bakuna.
April hanggang June 2021 naman aaprubahan ng FDA ng Pilipinas ang local distribution ng bakuna.
Ipinaliwanag pa ng DOH na kadalasan aniyang marming taon pa ang inaabot bago magkaroon ng isang bakuna kontra sa isang sakit pero dahil may pandemya ay kailangan mas mabilis ang paghanap ng lunas ng mga eksperto.
“Matagal po ango proseso. Some even takes two years or more bago ito mangyari kasi dumadaan po sa lahat ng phases ng clinilcal trial. Bago matapos ang clinical trial mayroon naman tayong regulatory process na ginagawa bago po natin maipalabas iyan.” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.
Ayon pa sa DOH, kailangan muna ring dumaan sa clinical trial phase 3 dito sa Pilipinas ang mga potensyal na bakuna.
“Ang estado po ng ating mga bakuna accross the globe na pinag- aaral ay nasa mga phase 3 clinical trial lahat, iyong iba nag- uumpisa pa lang ng phase 3 clinical trial and mag- uumpisa pa lang din tayo. Hihintayin nating lahat ay magawa bago natin masiguro na pwede na rin pong gamitin at mabili ng ating mga kababayan dito sa ating bansa.” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.
Batay pa sa update ng DOH, mas mapapabilis rin ang pagsasagawa ng clinical trial ng Sputnik sa Pilipinas matapos ang pagpupulong ng pamahalaan sa russian embassy noong nakaraang Linggo.
“FDA committed to shorten the process. We are now looking about 43 days maximum. But of course if requirements are complete, sabi nga namin sa Russian embassy mas mapapabilis pa at mapapaikli. We offered to them na if pwede na tayo gumawa ng parallel, meaning ibigay na sa amin lahat ng documents needed pagaralan ng vaaccines experts panel so that pag nagsubmit na sila ng formal protocol for this clinical trial, maumpisahan na nating ang regulatory process.” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: COVID-19 Vaccine, DOH