Pormal na pagkilala sa pagkapanalo ng Senate Defenders sa UNTV Cup, isinagawa sa plenaryo

by Radyo La Verdad | March 22, 2018 (Thursday) | 5775

Bago mag-break ang sesyon ng Kongreso kahapon, pormal na kinilala ng Senado ang pagkapanalo ng Senate Defenders sa UNTV Cup base sa ipinasang resolusyon noong March 13.

Lahat ng players at staff ng basketball team ay binati ng mga senador sa pangunguna ni Senate President Aquilino Pimentel III.

Masayang-masaya rin maging ang mga benepisyaryo ng Senate Defenders dahil sa pagkakapanalo ng grupo.

Ayon kay Pangarap Foundation Inc. Executive Director Leah Lanzuela, malaki ang maitutulong ng 4 million pesos na grand prize para sa tatlong foundation ang maghahati-hati rito.

Sa hiwalay na programa sa Senado, tinanggap naman nina UNTV vice presidents Gerry Panghulan at Atty. Ruth Soriano ang certificate of appreciation ng Senado maging ang kopya ng aprubadong resolusyon at buong journal.

Ang ibinigay na kopya na journal ng Senado sa UNTV ay naglalarawan na naging bahagi na ng hindi mabuburang kasaysayan sa lehislatura ng Senado ang tungkol sa UNTV Cup.

Nakapaloob dito ang tungkol sa liga ng mga public servants na konsepto ni Kuya Daniel Razon na ang pangunahing layunin ay makatulong sa kapwa.

Binigyang pagkilala rin dito ang pangunahing tagapagtaguyod ng liga, ang Members Church of God International sa pangunguna ni Brother Eli Soriano.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,