Populasyon ng Pilipinas, umabot na sa mahigit 100-M batay sa pinakahuling census

by Radyo La Verdad | May 20, 2016 (Friday) | 2087

MON_POPULASYON
Patuloy ang paglobo ng populasyon sa bansa.

Batay sa pinakahuling census ng Philippine Statistics Authority noong August 2015, umabot na sa 100.98 million ang populasyon ng Pilipinas.

Mas mataas ito ng 8.64 million kumpara sa populasyon noong 2010 na nasa 92.34 million.

Ang CALABARZON o Region 4-A ang may pinakamalaking populasyon na may bilang na 14.41 million, sinusundan ng National Capital Region na may populasyon na 12.88 million at pangatlo ang Central Luzon o Region 3 na may 11.2 million.

Tags: , ,