Pondong nakalaan para sa pagpaparami ng baboy at pagsugpo sa ASF nasa P29.6B

by Erika Endraca | February 15, 2021 (Monday) | 2591

METRO MANILA – Naglaan ang Department of Agriculture ng paunang pondo na P1.5-B para sa bantay African Swine Fever (ASF) sa barangay habang 600 Million naman para sa pagpaparami ng baboy.

May nakalaan ring P500M ang da para ipautang sa mga backyard hog raisers habang ang Landbank at Development Bank of the Philippines naman ay naglaan ng kabuoang P27B para ipautang sa mga malalaking alagaan ng baboy.

Para naman sa mga papataying baboy na apektado ng ASF na sakop ng Philippine Crop Insurance Corporation ay babayaran ng tig- P10,000 kada ulo.

Naglaan din ang da ng P800-M ayuda para sa nagbebenta at nagdadala ng kanilang mga alagang baboy para sa Metro Manila.

Mahigit sa 5,000 baboy ang umalis sa region 12 at inaasahang darating sa Metro Manila sa February 16.

Karamihan naman sa mga pamilihan sa Metro Manila ay nakakasunod na sa price ceiling na P270 at P300 kada kilo pero may ilan na umaabot pa rin sa 330 o 340.

Samantala, itinakda naman ng DA ang National Food Security Summit sa April 7 at 8.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: ,