Sinimulan na muling talakayin sa Senado ang pagsusulong sa pagpapahaba ng maternity leave sa bansa.
Ayon sa panukalang batas na inihain ni Sen. Risa Hontiveros, mula sa anim na pung araw ay maaari na itong gagawin itong 120-150 days.
Anim na panukalang batas sa pageextend ng maternity leave ang dinidinig ngayon ng senate committee on women, children, family relations and gender equality.
Sa proposed bill ni Sen. Risa Hontiveros, 120 days ng maaari nang ibigay sa isang buntis, habang maaaring dagdagan ng 30 oras o tototal sa 150 days ang para sa single mother.
Sa pagtalakay kanina ng Senado, binigyang diin ang kahalagahan ng mas mahabang panahon upang maaruga ng mga ina ang bagong silang na sanggol.
Kung ikukumpara sa international standards, napapagiwanan na ang pilipinassa mga kinakailangang reporma pag dating sa maternity law.
Ngunit ayon Civil Service Commission, kailangan isaalang-alang din ang epektong mahabang maternity leave sa productivity at output ng mga kababaihan, pati na rin ang employeability ng mga ito.
Dapat rin umanong pag-aralan kung nararapat nang lagyan ng limitasyon na hanggang sa apat na anak lang ang makakatanggap ng benepisyong ito.
Nagpahayag naman ng pangamba ang Social Security System o SSS na maaaring kapusin sila ng pondo sa mga darating na taon kung madadagdagan ang maternity benefits ng kanilang mga miyembro.
Ayon naman kay Sen.Risa Hontiveros pag-aaralan na sa technical working group ang fund source, at ang posibleng pagdagdag ng binabayarangpremium sa SSS.
(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)
Tags: maaaring hindi masustain, Pondo sa mas mahabang maternity leave, SSS