Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang Oplan Balik-Eskwela sa Marawi City kasabay ng paggunita sa unang taon ng Marawi crisis.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, pinaghandaan ng ahensya ang pagbubukas ng klase sa lungsod upang maiparamdam sa mga mag-aaral ang paglingap ng pamahalaan at kahalagahan ng edukasyon.
Ayon kay Briones, masakit sa kanya na makita ang mga nasirang paaralan sa most affected area sa Marawi City.
Inirekomenda na ng kalihim na ayusin ang dalawampu’t siyam na paaralan na nasira ng gyera bukod pa sa apat na pung eskwelahan na kailangan ng major repair. Nakahanda na rin aniya ang mahigit isang bilyon pisong budget para rito.
Kahit hindi pa gawa ang ilang paaralan sa Marawi, tiniyak naman ng DepEd na tuloy ang pagbubukas ng pasukas sa June 4. May mga itinalaga ng temporary learning center ang kagawaran para dito.
Samantala, hindi naman malimutan ni Teacher Sittie Naima ng Brgy. Basak Malutlut, ang lugar na unang nilusob ng Maute-ISIS terror group ang takot na naramdaman noong mga panahon ng krisis.
Isa ang kanilang bahay na kinatok umano ng mga Maute-ISIS terror group nang lusubin ang Marawi.
( Weng Fernandez / UNTV Correspondent )
Tags: DepEd, Marawi, Oplan balik eskwela