MANILA, Philippines – Inamin ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga kongresista na kulang ang kanilang mga tauhan upang mainspeksyon ang lahat ng mga kumpanya sa buong bansa at matukoy kung sumusunod ang mga ito sa labor laws.
Sa pagharap Kahapon (September 4) sa House Committee on Appropriations ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, sinabi nito na sa ngayon ay mayroon lamang ang ahensya na 710 labor law compliance officer. Kulang na kulang aniya iyopn upang mainspeksyon ang higit 900,000 mga kumpanya sa buong bansa.
“We have to admit our limitations in terms of inspections much as we would want to inspect all businessmen all throughout the country to see that they comply with all labor laws and standard physically it becomes very impossible”ani DOLE Sec. Silvestre Bello III.
Dahil dito humihiling ng dagdag na pondo ang DOLE sa mga kongresista upang makapag-hire ng dagdag na mga tauhan.
Mula sa orihinal na 5,000 dagdag na labor law officers, 100 lamang ang pinayagan ng Department of Budget and Management (DBM).
“With your support your honors I hope that you could give us the support in terms of labor law compliance officers otherwise we will continue to be intil in terms of inspection.” ani DOLE Sec. Silvestre Bello III.
Batay sa datos ng DOLE, umaabot na sa higit 500,000 mga mangagawa ang na-regular na sa trabaho bunsod ng kampanya ng pamahalaan kontra kontraktuwalisasyon.
Sa ngayon wala pang bilang ang DOLE hinggil sa mga kontraktual na mangagawa na hindi pa rin nare-regular sa trabaho dahil may ilang mga kaso pa anila ang dinidinig sa korte.
(Joan Nano | UNTV News)