Pondo ng DOH para sa contraceptives, sapat ayon sa Malacañang

by Radyo La Verdad | January 13, 2016 (Wednesday) | 1586

COLOMA
Tiniyak ng Malacañang na sapat ang pondo para sa contraceptives kahit nabawasan ang inilaang pondo para sa Department of Health base sa 2016 General Appropriations Act.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., mayroon pa ring inilaang mahigit sa P2.2B para sa women’s and men’s health development component ng Family Health and Responsible Parenting.

Ayon aniya kay Budget Secretary Butch Abad, ang panukalang budget para sa family planning program ay mahigit sa P3B subalit sa naisabatas na pambansang budget ay binawasan ito ng mahigit sa P800M.

Ang P800M budget na nabawas ay para sa pagbili ng implanon implant na isang uri ng contraceptives.

Ito ay matapos aniyang magisyu ang Supreme Court ng TRO para pansamantalang itigil ang distibusyon at pagbebenta nito.

Ani Coloma, ang naisabatas na budget kasama ng pondo ng DOH na hindi nagastos noong nakaraang taon ang magagamit ngayon ng health department.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,