Political prisoners, palalayain lahat kapag nalagdaan ang bilateral ceasefire agreement – Sec. Bello

by Radyo La Verdad | December 7, 2016 (Wednesday) | 2630

victor_bello
Nagbigay na ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte kay Government Peace Panel Chief at Labor Secretary Silvestre Bello The Third kaugnay sa pagpapalaya sa mga nakabilanggong communist rebels.

Noong Lunes ng gabi sinabi ng pangulo na hindi niya mapagbibigyan ang hiling ng NDFP-CPP-NPA na palayain ang isang daan at tatlumpung political prisoners

Ayon kay Secretary Bello, lahat ng political prisoners ay tiyak na palalayain ng pangulo kapag nalagdaan na ang bilateral ceasefire agreement ng magkabilang panig.

Sa kasalukuyan, ipinatutupad ng magkabilang panig ang unilateral ceasefire ngunit mayroon umanong lumalabag dito.

Paliwanag ng GPH Peace Panel Chief, kinakailangan ang pormal na kasunduan upang mamonitor ang mga violation sa tigil putukan.

Samantala, nagkaroon na rin ng pagpupulong sina Pangulong Duterte at ang mga miyembro ng NDF Peace Panel noong Biyernes upang talakayin ang mga nakapaloob na isyu sa usapang pangkapayapaan.

Sa January 2017, isasagawa ang third round ng formal peace talks ng pamahalaan at NDFP sa Rome, Italy.

(UNTV News)

Tags: , ,