Political ads sa mga pampublikong sasakyan, pinahintulutan na ng LTFRB

by Radyo La Verdad | December 29, 2015 (Tuesday) | 4687

MACKY_POLITICAL-ADS
Naglabas ng Memorandum Circular ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board upang pahintulutan ang paglalagay ng Political Advertisements sa mga Public Utility Vehicles o PUVs tulad ng bus, taxi, pedicab, tricycle at jeepney.

Ito ay matapos magdesisyonan ang korte suprema sa petisyon ng 1-UTAK hinggil sa pagbabawal ng Commission on Election sa paglalagay ng political ads sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon sa 1-UTAK, may karapatan ang mga Pilipino na makabahagi sa Political Process at kabilang dito ang paghikayat sa mga tao na iboto ang isang partikular na kandidato.

Magandang balita naman ito para kay Juliet De Jesus, Presidente ng City bus operators. Anya, dadag kita ito para sa mga pampublikong sasakyan.

Nakasaad sa Memorandum Circular ang mga guidelines at proseso upang maaprubahan ang mga aplikasyon ng mga operator na maglalagay ng political advertisement.

Nakasaad sa Memorandum Circular ang mga guidelines at proseso upang maaprubahan ang mga aplikasyon ng mga operator na maglalagay ng political advertisement.

(Macky Libradilla / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,