Polisiya para sa seguridad ng mga TNVS drivers, babalangkasin na ng LTFRB

by Radyo La Verdad | November 7, 2017 (Tuesday) | 3404

Babalangkasin na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang polisiya para sa seguridad ng mga Transport Network Vehicle Service driver.

Sinabi ni LTFRB Spokesperson Atty. Aileen Lizada sa programang “Good Morning Kuya” na sa Biyernes ay magpupulong na ang technical working group na gagawa nito.

Ang naturang hakbang ay kasunod ng pagkakapaslang kamakailan sa GRAB driver partner na si Gerardo Maquidato Jr. habang namamasada.

Ilan sa mga pinag-aaralan ng LTFRB ay ang panghihingi ng identification card sa nagbook na pasahero.

Pinagpapasa naman ng suhestyon ang mga TNVS at target nilang matapos ang polisya sa December.

Tags: , ,