Police detachment, ilalagay sa isla sa Zamboanga kung saan pinaslang ang walong mangingisda

by Radyo La Verdad | January 19, 2017 (Thursday) | 833

DANTE_DETACHMENT
Nagsagawa ng ocular inspection ang Zamboanga City Police sa mga islang sakop ng lungsod noong nakaraang linggo.

Kabilang sa pinuntahan ang Siromon Island kung saan nangyari ang pagpatay sa walong mangingisda noong January 9.

Ayon kay ZCPO Director PSSupt. Luisito Magnaye, maglalagay sila ng police detachment sa isla bilang proteksyon sa mga mangingisdang pumapalaot dito.

Naniniwala ang pulisya na sa pamamagitan nito ay matitigil na ang kaso ng extortion sa mga mangingisda na humahantong sa pagpatay kapag hindi nagbigay.

Katuwang ng PNP ang Philippine Navy sa pagbabantay sa mga isla kapag naisakatuparan ang panukalang anti-piracy program ng Zamboanga City.

Sa ngayon ay naglaan ng 156.25 million pesos ang lokal na pamahalaan para sa security na mataas kaysa 124.89 million pesos noong 2016.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: ,