Police checkpoints sa Marawi at Iligan City, mas hinigpitan dahil sa umano’y kaso ng pamemeke ng car pass

by Radyo La Verdad | July 13, 2017 (Thursday) | 3467


Kumikilos na ang mga otoridad kasunod ng impormasyon na may namemeke o nagre-reproduce ng kanilang car pass.

Ang car pass ay ibinibigay ng mga pulis sa mga nagdadala ng relief goods, media at iba pang ahensya ng pamahalaan upang hindi na sila pumila sa checkpoints.

Tiniyak naman ng mga otoridad na hindi madaling gayahin ang kanilang car pass na maaaring gamitin ng mga masasamang loob.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang national incident management team ng Iligan City sa iba pang sangay ng pamahalaan para sa mas mahigpit na pagbabantay sa entry at exit points ng siyudad.

Dumadaan rin sa ngayon sa masusing inspeksyon ng mga otoridad ang mga motorsiklo at iba pang sasakyan na posibleng gamitin ng mga terorista.

(Weng Fernandez / UNTV Correspondent)

Tags: , ,