Police at tauhan ng DILG na tatanggap ng regalo, makakasuhan ng administratibo at kriminal – DILG

by Radyo La Verdad | August 13, 2019 (Tuesday) | 4467

Naniniwala ang DILG sa totoong serbisyo publiko na walang hinihintay na kapalit ang mga tauhan at opisyal ng pamahalaan. Kaya nagbabala ang DILG sa mga opisyal at tauhan ng PNP at sa mga empleyado ng DILG na makakasuhan sakaling nag-solicit at humingi nang direkta o hindi direktang pagtanggap ng regalo. Malinaw aniya itong nakasaad sa National Police Commission Memorandum Circular 2016-002.

Gayunman, nilinaw nito na hindi aniya kasama sa corruption ang di hinihingi at ‘di inaasahang maliit na regalo na may insignificant value o token.

Pinaalalahanan din nito ang mga pulis at lahat ng tauhan ng gobyerno na bayad na ang ibinibigay nilang serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng ibinibayad nilang buwis.

Maging sya aniya ay ipinababalik nya ang mga natatanggap na regalo sino man ang nagbigay nito.

muli, tiniyak din ni año na tututukan ang mga Pulis upang hindi masangkot sa ano mang korapsyon.

(Lea Ylagan | UNTV news)

Tags: , ,