MANILA, Philippines – Nagtataka ang Department of National Defense (DND) kung bakit malapit naka pwesto malapit sa kampo militar ang mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) Hubs ng may 130,000 Chinese workers sa bansa.
Ayon kay DND Sec. Delfin Lorenzana, mayroon sa may araneta na malapit sa Kampo Crame at Kampo Aguinaldo.
Mayroon din malapit sa airforce headquarters sa Pasay, Philippine Army sa Taguig at sa Philippine Navy Headquarters sa Roxas Boulevard.
Mayroon ding 36 hectares former resort sa Kawit Cavite na gagawing POGO Hub na kayang mag accomodate ng 20,000 chinese.
Ito ay 3Km lamang ang layo sa Philippine Air Force 15th strike wing ang Philippine Naval Base sa Sangley Point.
Ayon kay DND Sec. Lorenzana, madali aniyang makapag eespiya sa mga kampo ng militar ang mga Chinese sa pwesto ng mga pogo hubs.
“Probable.. Medyo alangan tayo magkumpiyansa sa kanina….ito yung areas kasi na nag offer e like eastwood, don naman sa villamor airbase ay don sa resorts world at don sa cavite… Mas mabuti na yung advance mag isip para hindi tayo magsisi” ani Department of National Defense, Sec. Delfin Lorenzana.
Para naman kay DOJ Sec. Menardo Guevarra, na hindi sya naaalarma sa pagdami ng Chinese national sa bansa at sa mga POGO Hub na nak pwesto malapit sa mga Kampo Militar.
Aniya, hanggat hindi lumalabag sa batas ang mga ito at hindi rin inaagaw ang mga trabaho ng Filipino ay walang dapat na ikabahala.
Sinabi naman ni AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal na dapat ay isinasangguni muna sa militar ang pagtatayo ng mga establisyimento malapit sa mga kampo.
“Development and security should come together, at the end of the day sabi nga maliban sa ating mga maaaring sources of incime dapat ay kasama rito ang all other security considerations in undertaking this activities na isasama natin” ani AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal.
Base sa data ng PNP, ang legimate pogo sa bansa ay nasa 56 habang nasa 30 na naman ang ilegal na nag ooperate.
(Lea Ylagan | Untv News)
Tags: Chinese national, DND