POEA at Bureau of Immigration, pinagpapaliwanag ni Senador Aquino kaugnay sa offloading ng Pinoy DOTA 2 team

by dennis | April 6, 2015 (Monday) | 2004
Photo credit: RAVE DOTA 2 Facebook page
Photo credit: RAVE DOTA 2 Facebook page

Pinagpapaliwanag ni Senador Bam Aquino ang Philippine Overseas Employment Agency (POEA) at Bureau of Immigration kung bakit hindi pinayagan makasakay ng eroplano ang ilang miyembro ng team RAVE, ang representante ng Pilipinas sa DOTA 2 championship league sa ibang bansa.

Noong nakaraang Biyernes, Abril 3, na-offloaded sina Ryo Hasegawa, Mark Pilar at Djardel Mampusti na pawang miyembro ng nabanggit na eSport team.

Pupunta sana sa Incheon, South Korea ang koponan para magsanay bilang paghahanda sa dalawang DOTA 2 tournament: ang Electronic Sports League sa Frankfurt, Germany at sa Redbull Battle Grounds na gaganapin naman sa San Francisco, California.

Sa opisyal na pahayag ng senador, humihingi ito ng paliwanag kung bakit hindi pinayagan ang tatlong Pinoy cyber athletes na makabiyahe ng South Korea.

Ipinagtataka ng senador na ilang beses nang pabalik-balik ang tatlo sa South Korea gamit ang parehong mga dokumento pero sa pagkakataong ito, hindi sila binigyan ng boarding pass ng walang dahilan na binibigay mula sa mga otoridad.

Si Senador Bam Aquino ay kilalang taga-suporta ng eGames dahil paniwala nito na magbibigay din ito ng karangalan sa bansa.

Tags: , , , ,