Poe at Escudero, pormal nang inendorso ng NPC

by Radyo La Verdad | March 1, 2016 (Tuesday) | 1837

poe-chiz
Pormal nang inendorso Nationalist People’s Coalition (NPC) ang kandidatura nina Sen. Grace Poe at Sen. Francis “Chiz” Escudero.

Ginawa ng ikalawang pinakamala­king partidong pulitikal sa bansa ang pag-endorso sa naturang independent candidates kahapon sa House of Representatives.

Ayon kay Isabela (4th District) Rep. Giorgidi B. Agaddao, pangulo ng NPC, tugma sa kanilang partido ang pilosopiya at paninindigan ng tambalang Poe-Escudero kaya ang tandem ang napili nilang suportahan.

Pahayag ni Rep. Aggadao sa isang press conference, “sa madaling salita, kinakatawan ng mga kandidatong ito ang manifesto ng partido na ang bawat Pilipino ay mahalaga at kada Pilipino ay dapat na paglingkuran nang patas, anuman ang kanilang posisyon o estado”.

Tags: , ,