PNR commuter line na Naga to Legaspi, bubuksan sa Setyembre

by Radyo La Verdad | August 26, 2015 (Wednesday) | 1485

PNR
Bubuksan ng PNR sa susunod na buwan ang commuter train service nito na biyaheng Naga to Legaspi sa Bicol.

Ang Naga-to-Legaspi route ay dati ng ginamit ng PNR sa biyaheng Manila to Legaspi na suspendido pa rin hanggang sa kasalukuyan.

Ang mga tren na gagamitin sa operasyon ng Bicol commuter train ay donasyon ng bansang Japan.

Mula Naga to Legaspi ay aabutin ng 2 at kalahating oras ang byahe.

May kapasidad ang bawat bagon ng 215 na pasahero at bibiyahe ito ng dalawang beses sa isang araw.

101 pesos and 43 centavos ang pamasahe sa Naga to Legaspi, samantalang nagkakahalaga naman ng 12 pesos and 24 centavos ang pinakamalapit na byahe.

Ayon sa PNR, kung ikukumpara sa ibang uri ng transportasyon sa Bicol, mas mura at mabilis ito.

Ngunit inamin ng PNR Management na tiyak na mag-aabono ito sa pagpapatakbo ng Naga to Legaspi train service.

Ayon pa sa PNR plano nitong gawing libre ang unang araw ng byaheng Legaspi to Bicol.

Sa pagdinig ng kongreso kaugnay ng PNR Modernization, may ilang kongresistang nagpahayag ng pagkabahala dahil baka malugi na naman ang PNR dahil sa commuter service na ito lalo na’t mura ang pamasahe at hindi pa binibigyan ng subsidy ang pamahalaan para sa operasyon ng tren.

Ang Bicol Commuter Train ay bahagi ng kasalukuyang train services ng PNR.

Inaasahan na sa mga susunod na taon mauumpisahan na ang North South Railway Project sa ilalim ng public private partnership ng pamahalaanna ngayon ay nasa bidding process na.

May byahe itong Tutuban hanggang Bicol na inaasahang makatutulong sa patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa. (Darlene Basingan / UNTV News)

Tags: