PNP, walang namo-monitor na banta sa seguridad sa Ika-4 na SONA ng Pangulo

by Erika Endraca | July 16, 2019 (Tuesday) | 19363

MANILA, Philippines – Walang namo-monitor na banta ang Philippine National Police (PNP) sa seguridad sa ika-4 na State of the Nation Address Sona ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngunit ayon kay Pnp Chief Police General Oscar Albayalde, magpapakalat pa rin sila ng 14,000 pulis upang magbantay sa seguridad sa araw ng sona.

“Mag iiba yung playing field dahil meron nang first time at marami tayong innovations at interventions na dapat gawin para hindi na maulit yan, meron prevention at police operations also especially this time of sona” ani Pnp Chief Police General  Oscar Albayalde.

Kaya ayon sa pnp, huwag nang magsuot ng jacket ang mga militante na magsasagawa ng kilos-protesta bilang bahagi ng seguridad.

“We have enough security forces para i-secure yung mga nagra rally not only yung mga tao outside but also yung mga nagra-rally just to make sure na hindi sila mapasukan ng kung sino sino don sa hanay nila” ani Pnp Chief Police General  Oscar Albayalde.

Kagaya noong mga nakaraang sona ng pangulo, walang container van at barbed wire na ilalagay sa bahagi ng Commonwealth area.

(Lea Ylagan | Untv News)

Tags: , ,